Sarah x Eliezer | TAGAYTAY Pre-Wedding Video
LABING APAT MULA SIMULA
Tayo’y nagkakilala
Sa panahong hindi inaakala
Sa murang isip natin noon
Hindi batid kung saan paroroon.
Sumunod na taon,
Mundo natin nagkaiba.
Ngunit bigkas ng damdamin,
Ay naroroon pa.
Tatlo, apat, lima, anim
Mga pangarap natin napasaatin
Pito, walo, siyam, sampu,
Ito ang mga sumunod na yugto.
Adbokasiya mo’y iyong pinaglalim
Ako’y nagpursige at nagplano ng lihim.
Ika-labing isang taon, sarili’y nagtanong
Ito na ba kaya ang tamang panahon?
Lumipas ang isa pang taon,
Patuloy ang aking panananalangin
Na mabigyan ng pagkakataon,
At masabi itong nasa damdamin.
Sagot mo sa tanong ko,
Matagal kong hinintay,
Kung ako’y iyong nais makapiling
Sa pang habang buhay.
Sinagot mo ng Oo, Oo, Oo.
Ika’y sakin, at ako’y sayo.
Kahapon, ngayon, bukas
Habang buhay, walang wakas.
Labing apat na taon mula simula
Tayo’y naririto sa araw na itinakda.
Upang ang isa maging dalawa,
At ang dalawa … ngayon … sa wakas … pinag-isa.