Grace x Jam | BULACAN Wedding SDE

Published On: April 17, 2017By

HANGGANG WAKAS

Pag-ibig –
Wala akong ibang naiisip kapag ito’y nawawari
Kundi ikaw at ako. Ngayon at bukas.
Sa lahat ng oras. Hanggang wakas.

Simula sa unang pagputok ng araw
Hanggang sa aking pagpikit,
Ang pangalan mo pa rin
Sa aking labi
Mamumutawi.

At habang ang mundo’y mahimbing
Sa pagpalit ng araw at gabi
Sa puso at sa aking panaginip,
Ika’y nananatili.

Dumating man ang unos
Ako’y tiwala, na sa gabay ng Maykapal
Ang ating pag-ibig
Ang siyang mananaig.

At ngayon, tayo’y nandito,
Sa kung saan tayo’y nakalaan
Upang ating ipagbunyi, ipagpasalamat
Itong biyayang nakamtan.

Ikaw ang aking biyaya,
At ito ang aking panunumpa.
Na ikaw at ako. Ngayon at bukas.
Sa lahat ng oras. Hanggang wakas.

Venue: Grass Garden Resort, Bulacan | Coordination: Melody Eusebio | Photography: Bobby Delos Santos | Styling, Catering, Lights and Sounds: Tantocos | HMUA: Ghil Sayo | Videoragraphy by STORY OF US STUDIOS | Destination Wedding Videographers | www.storyofusstudios.com